Hindi umano pwedeng kapanayamin si Kapamilya star Andrea Brillantes tungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Biyernes, Disyembre 8, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang minsang pagbisita ni Andrea sa TV5.

Ayon kasi sa co-host niyang si Romel Chika, nagulat umano ang mga tao nang makita kung gaano karami ang entourage ni Andrea sa isang event.

Sey pa ni Romel: “At hindi lang basta entourage, ha, may mga guwardiyang naglalakihan. Bantay-sarado, ‘ika nga.”

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“Alam mo naganap ‘yan dito sa TV5, sa atin. Ito ay nagkasabay kasi ‘yung guesting ni Andrea dito at saka ng presscon naman ng Tito, Vic, and Joey,” kuwento ni Cristy.

“Palabas na si Andeng at magsisimula naman ang presscon ng Tito, Vic, and Joey. May mga press people. E, kahit naman sinong magpunta sa ating bakuran, binabantayan naman talaga ng ating mga security,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Tapos iba pa ‘yong mga kasama ni Andrea. Pero totoo na hindi siya pwedeng interbyuhin talaga tungkol sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Hindi siguro ito ‘yung iniisip nilang napapanahon, di ba… E, kasi nga sunog na sunog na nga naman ‘yung ale.”

Matatandaan kasing bago pa man kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan, umugong na ang bali-balita na palihim umanong nagkikita ang huli at si Andrea.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?