Binara ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang isang netizen na idinawit ang kaniyang ina sa post nito.

Sa X post ni Vice kamakailan, mababasa ang tugon niya sa nasabing netizen na nagsasabing umaasa umano ang ina niya sa kaniya.

“Ahhhhhhhh excuse me! Never umasa sakin ang Nanay ko. Nagpakabayani sya sa ibang bansa para magkapagpadala sa amin sa Pinas at makaraos kami,” saad ni Vice.

Dagdag pa niya: “May ipon ang Nanay ko. Wag mo syang isali sa kung anumang diskusyon nyo!”

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

https://twitter.com/vicegandako/status/1732670568523342001

Sey kasi ng netizen: “Hindi ako fanney ni Blythe or kahit sinong artista.. pero kung yan ang punto mo, aba'y isali mo na lahat nang nanay ng mga artista na umasa sa kanila gaya ng nanay ni VICE GANDA, nanay ni FRANCINE, nanay ni KATHRYN B., nanay ni BEA ALONZO, etc. Lahat po sila breadwinner.”

Ang nasabing post ay may kinalaman sa naging sagot ng ina ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa basher na nagkomento sa Instagram post nito kamakailan.

MAKI-BALITA: Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’

Kasalukuyan kasing nadadawit ang pangalan ni Andrea sa hiwalayan ng KathNiel matapos kumalat ang balita na palihim umanong nakikipagkita ang young actress kay Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Komento tuloy ng basher: “Papano mo kaya pinalaki si Andrea no?”

Sagot naman ng ina ni Andrea: “Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?”

Hindi nagustuhan ng marami ang sagot na ito ng ina ni Andrea dahil tila ipinagmamalaki pa nito ang pagpapasa ng responsibilidad sa anak na dapat ay siya ang gumawa.

MAKI-BALITA: Xian Gaza, sinagot ina ni Andrea