Pinuri ng social media personality na si Rendon Labador ang CEO/Founder ng isang beauty product na si Glenda Victorio habang pinatutsadahan naman niya ang isang “mayabang” na CEO, na hindi na niya pinangalanan.

“DAPAT TULARAN! Buti pa si Miss Glenda hindi mayabang,” sey ni Rendon sa Facebook post niya nitong Sabado, Disyembre 9.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Dapat siyang tularan ng mga nagkalat ngayon sa socmed na mga CEO, na naka hawak lang ng pera sumobra na ang pagyayabang.

“Mag bago na kayo! kasi si Rendon Labador nga nag bago na… ikaw pa kaya? SINO KA BA???” pasaring pa niya.

Pero sa comment section, nilinaw ni Rendon na wala raw siyang pinapatamaan.

“Wala po akong pinapatamaan sa post, pero kung may naiisip kayo.. pwede naman,” aniya.

“BAWAL MAG BANGGIT NG PANGALAN HA? basta ako nag bago na ako.”

Hindi man nagbanggit ng pangalan ang social media personality pero kamakailan tila nagparinigan sila ng CEO na si Rosmar Tan.

Sa kamakailang Facebook post ni Rosmar, humingi siya ng pasensya tungkol sa tumatahol niyang “labrador.”

“Pasensya na kayo kung tumatahol yung labrador ko. Panay motivational rice kasi kinakain walang nutrisyong nakukuha. Paano ayaw ng dog food,” sey ni Rosmar.

Maki-Balita: ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

Bilang buwelta, ipinagmalaki ni Rendon na isa lamang siyang simpleng tao.

“Hindi ako mayaman at hindi din ako pulitiko. Si Rendon Labador ay isang simpleng tao lang at ang kaya ko lang ipagmalaki sa inyong lahat ay ang pagiging totoong tao sa harap ninyo,” aniya.

Maki-Balita: Rendon Labador, simpleng tao lang daw: ‘Ramdam ko kayo’

Nag-ugat umano ang parinigang ito nang mag-react si Rendon sa isiniwalat ni Rosmar tungkol sa kinikita nito araw-araw.

“Patunay na hindi talaga nabibili ng pera ang katangahan,” saad niya.

Maki-Balita: Rendon, nag-react sa pag-flex ni Rosmar ng kita