Bine-brainwash nga ba ng aktres na si Marjorie Barretto ang kaniyang mga anak upang hindi makausap ang ama ng mga ito?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Disyembre 9, biglang naitanong ni Dyosa Pockoh sa mga kasamahan niyang host na sina Mama Loi at Ogie Diaz ang tungkol dito.

Napag-usapan din kasi sa nasabing vlog na pati pala ang aktor na si Kier Legaspi ay hindi rin kinakausap umano ng anak niyang si Dani Barretto.

MAKI-BALITA: Kier Legaspi, ‘di rin kinakausap ng anak?

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“‘Di kaya na-brain wash na sila ng nanay nila kasi ganoon ang trato nila sa kanilang ama, tingin n’yo?” usisa ni Dyosa.

Pero sabi naman ni Ogie: “Ako, feeling ko lang, hindi ko alam, e. Kasi, una hindi naman tayo si Marjorie Barretto. Hindi natin alam talaga ang kuwento ng mga anak o ‘yung encounters nila…between them at sa kanilang ama.”

Kaya ngayon, tila kapareho na ni Kier ang komedyanteng si Dennis Padilla na naghahabol din umano sa mga anak nito kay Marjorie.

Matatandaang katakot-takot na pandededma umano ang natanggap ni Dennis mula sa mga anak matapos niyang batiin ang mga ito sa mahahalagang okasyon gaya ng Pasko at Bagong Taon.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, umasa pa lang mababati man lang ng mga anak kamakailan: ‘Total Pasko naman’ – Balita

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli

MAKI-BALITA:  Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita

Nagkasagutan pa nga umano si Dennis at ang anak niyang si Leon Barretto matapos magtampo ng aktor sa mga anak dahil sa pandededma ng mga ito noong nakaraang Father’s Day”.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, nagtampo kina Julia, Leon, at Claudia dahil hindi siya binati noong Father’s Day? – Balita

MAKI-BALITA: Leon sa amang si Dennis: ‘Is public sympathy really more important than your own children?’ – Balita

Pero agad din namang humingi ng tawad si Dennis at sinabing nami-miss lang umano nito ang mga anak.

MAKI-BALITA:  Dennis, nag-sorry kay Leon; naglabas din ng open letter: ‘Miss ko lang kayo!’

Hindi tuloy mapigilang maaawa ni Ogie dahil tila tinatakwil na umano ang komedyante ng mga anak nito.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, itinakwil na ng mga anak?