Hindi rin umano nakakausap ng aktor na si Kier Legaspi ang kaniyang anak kay Marjorie Barretto na si Dani Barretto.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Disyembre 8, ibinahagi ng host na si Mama Loi ang pahayag ni Kier tungkol dito. 

“Ito na ‘yong sabi ni Kier Legaspi on his relationship with daughter Dani Barretto sa panayam ni Nelson Canlas. ‘Open ‘yong line. Wala akong sinarado, nandito lang ako. Kasi naghabol ako, simula noong bata ‘yan, hanggang tumanda. Nagkaroon ng anak, ako naghabol’.”

Pagpapatuloy pa ni Mama Loi: “‘Pero katulad ng sinabi ko, paano kami magkikita kung ‘yung hinahabol mo, tumatakbo naman, at napapalayo? ‘Yung hinahanap mo, tago naman nang tago, ‘di ba? Bukas yung linya ko. I'm just here. Alam mo yung number ko. Lalo na ngayon may social media. So, madali naman akong ma-communicate, to reach out’.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey tuloy ng co-host nilang si Dyosa Pockoh: “Hindi sila nagkakaiba ni Dennis.”

“Oo nga, ganoon din ang istorya,” sang-ayon naman ni showbiz columnist Ogie Diaz.

Matatandaang ilang beses nang dinedma si Dennis ng mga anak nito sa dating asawang si Marjorie sa tuwing babati siya sa mga ito sa mahahalagang okasyon gaya ng Pasko at Bagong Taon.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, umasa pa lang mababati man lang ng mga anak kamakailan: ‘Total Pasko naman’ – Balita

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli

MAKI-BALITA:  Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita

Hindi tuloy mapigilang maaawa ni Ogie dahil tila tinatakwil na umano ang komedyante ng mga anak nito.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, itinakwil na ng mga anak?