Sinagot ng social media personality na si Xian Gaza ang pahayag ang ina ng kontrobersyal na Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa pahayag nito tungkol sa pagpapalaki ng anak.

Sa Facebook post ni Xian nitong Miyerkules, Disyembre 6, sinabi niya na hindi dapat ipagmalaki  at ipagmayabang ng ina ni Andrea na ang anak nitong artista ang nakapagpagawa ng bahay at nakapagpaaral sa mga kapatid nito.

“Kasi kapag ipinagsigawan mo po ito eh para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko. Hindi ko po kayo maaaring husgahan dahil hindi ko po alam ang buong kwento ng inyong pamilya,” saad ni Xian.

Pero paalala niya: “Mag-ingat po tayo sa mga binibitawang salita in public at huwag magpadala sa silakbo ng damdamin.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Umapela rin siya sa publiko at sinabing responsibilidad umano ng kahit sinong magulang na pag-aralin ang kani-kanilang mga anak.

“Responsibilidad ng isang magulang na mapagtapos kayo hanggang grade 12. Bonus na lang yung college. Responsibilidad din nito na mabigyan kayo ng maayos na tahanan. Hindi niyo responsibilidad yung mga kapatid ninyo,” pahayag niya.

“Tumutulong lang kayo sa kanila out of pagmamahal. At kung natulungan nila kayo, ayan ay tinatawag na utang na loob,” aniya.

Dagdag pa ni Xian: “Huwag niyo silang abusuhin. Hindi nila kayo obligasyon. Hindi nila kasalanan kung bakit hindi makapag-provide ng maayos yung mga magulang niyo. Mahigpit na yakap sa lahat ng mga Ate at Kuya na breadwinner ng pamilya!”

Matatandaang nakipagbardagulan ang ina ni Andrea sa isang basher matapos nitong magkomento sa isa sa kaniyang post at itanong kung paano raw niya pinalaki ang anak niyang artista.

MAKI-BALITA: Madir ni Andrea nakipagratratan sa basher: ‘Anong ambag mo sa mundo?’

Nadadawit kasi ngayon si Andrea sa hiwalayan ng KathNiel matapos kumalat ang balita na palihim umano silang nagkikita ng aktor na si Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?