Isiniwalat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang dahilan umano ng hiwalayan nina Kapuso couple Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Lunes, Disyembre 4, ibinahagi ni Cristy ang kaniyang nalaman mula sa kaniyang impormante tungkol kina Mavy at Kyline.

“Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure nitong si Kyline Alcantara. Hinahawakan daw siya sa leeg,” saad ni Cristy.

“Wala namang lalaking papayag nang ganoon. Kaya ka nga nakikipagrelasyon para maging masaya at maligaya ka, e,” sabi pa niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Matatandaang kasama rin sina Mavy at Kyline sa listahan ng mga magkakarelasyon na napapabalitang hiwalay na dahil sa cryptic post ng huli sa kaniyang social media accounts.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

Lalo pang lumakas ang alingangas na hiwalay na ang dalawa nang mag-post ng mensahe ang ina ni Mavy na si Carmina Villaroel na tila reaksiyon umano sa break up rumors ng anak nito at ni Kyline.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Bagama’t wala pang kumpirmasyon ang balitang ito, may mga ulat namang nagsasabi na mukhang maglalabas umano ng joint statement ang dalawa.

MAKI-BALITA: Mavy at Kyline may pa-joint statement tungkol sa isyu ng hiwalayan?