Inanunsiyo ng 1Z Entertainment na naaayos na umano ang isyu sa pangalan at logo ng SB19 sa pagitan ng ShowBT Philippines Corporation.
Sa Facebook post ng 1Z Entertainment nitong Martes, Disyembre 5, sinabi nila ang tungkol dito at nagpaabot ng pasasalamat sa fans.
“We formally announce that we have come to an amicable agreement with ShowBT Philippines Corp. through a fair and equitable resolution,” saad ng 1Z Entertainment.
Dagdag pa nila: “Thank you for your patience and unwavering support towards SB19 and 1Z Entertainment. Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin eagerly anticipate reconnecting with all of you in their upcoming endeavors. We can’t wait to see you all again soon.”
Matatandaan na noong Nobyembre ay napansin ng A’TIN—fans ng SB19—na hindi na ginagamit nina Pablo, Stell, Felip, Justin, at Josh ang orihinal na pangalan ng kanilang grupo sa mga promotional posting sa social media.
Magkasunod ding kinansela ng 1Z Entertainment sa nasabing buwan ang world tour ng SB19 sa Bangkok at Singapore.
MAKI-BALITA: World Tour ng SB19 sa Bangkok, kanselado