Nagbigay ng paalala ang social media personality na si Rendon Labador para umano sa mga pangit. 

Sa Facebook MyDay ni Rendon nitong Lunes, Disyembre 4, walang pasubali niyang sinabi na kung alam mo raw na pangit ka, huwag nang magyabang.

“Reminder: Kung alam mong pangit ka, huwag ka na magyabang. Kahit anong galing mo, kung pangit ka talaga, pangit ka,” pahayag ni Rendon.

Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Dapat ang mga pangit mababait lang. Kasi kung pangit na nga kayo tapos mayabang pa, wala na matitira sa pagkatao ninyo,” aniya.

Dagdag pa niya: “Payo lang ni Kuya Rendon ninyo, huwag masamain.”

Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Matatandaang nakilala si Rendon dahil sa kaniyang panre-realtalk umano at harsh na paraan ng pagmo-motivate.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na kamakailan lang ay binura ang dalawa sa kaniyang social media accounts dahil sa hindi kaaya-kaaya niyang mga sinasabi.

MAKI-BALITA: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na

MAKI-BALITA: TikTok burado, FB nanganganib; Rendon, ‘Baka Instagram, YouTube nahihiya pa kayo?’