Kasama ang pangalan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa mga lumalabas na pangalan ng showbiz couple na napababalitang hiwalay na.

Lalo pang naglatang ang tsika nang dahil sa cryptic posts ni Kyline at sa ina ni Mavy na si Carmina Villaroel.

Pinagtatagni-tagni kasi ng mga netizen ang kani-kanilang mga post, lalo na ang tungkol sa pagiging "quiet" at "peace."

Bago pa kumalat ang tsika tungkol dito, matatandaan ding sinabi ng kambal ni Mavy na si Cassy Legaspi na civil lang sila ni Kyline.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

At nang bumoga nga ang isyung Mavy-Kyline breakup ay mega post naman si Mina ng sweet message niya para sa dalawang anak.

"Dear Mavy and Cassy," ani Carmina.

"People can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds."

"Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best."

Sa isa pang X post, ibinahagi naman ni Mina ang isang art card na may mababasang "Mom knows best."

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Pagkatapos, si Kyline naman ay may post sa kaniyang IG story na ang mababasa ay " i was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realized, [whose] peace is it keeping."

Samantala, si Carmina naman ay nag-post ng isang art card sa kaniyang X account na may mababasang "Protect your peace."

MAKI-BALITA: Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

Anyway, ayon naman sa lumabas na artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP kamakailan, mukhang maglalabas naman daw ng joint statement sina Mavy at Kyline tungkol sa breakup rumors.

Biro-biro ng mga netizen, hindi pa nga raw sila nakaka-move on sa kumpirmasyon ng hiwalayang KathNiel, heto naman ngayon sina Mavy at Kyline.

Abangan na lang 'yan!