“Ano nang nangyayari sa ‘Showtime’?”

Iyan ang tanong ni showbiz columnist Cristy Fermin dahil nangungulelat umano ang nasabing programa sa lahat ng noontime show sa bansa.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Disyembre 4, binilang ni Cristy at ng kaniyang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang mga follower ni “Unkabogable star” Vice Ganda sa lahat ng social media accounts nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tila kataka-taka raw kasi na sa kabila ng maraming followers ni Vice ay nangungulelat pa rin ang programa nito.

“Alam mo kung lahat itong bilang na binasa ni Wendell ay magiging suporta talaga sa panonood sa ‘Showtime’, dapat sila ang mangunguna,” pahayag ni Cristy.

“Kaya lang ‘yung kaba-bash ninyo sa mga tao na kumokontra sa iniidolo n’yong si Vice Ganda, kung ‘yang panahon na ‘yan ay ipinapanood n’yo ng kaniyang programa sa tanghalian, eh di may napapala kayo,” aniya.

Dagdag pa niya: “Hindi ‘yung bash kayo kaliwa’t kanan, kaliwa’t kanan. Para kayong may mga tapaojo. Na kung anong sabihin ni Vice, susunod lang kayo. Hindi maganda ‘yun.”

Matatandaang kamakailan lang ay pumalag si Cristy sa tila patutsada ni Vice Ganda sa isang contestant ng “Me Choose, Me Choose” na kapangalan ng showbiz columnist.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

MAKI-BALITA: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’