Hiningan ng pahayag ang aktor na si Romnick Sarmenta kaugnay sa naging hiwalayan nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matatandaang kinumpirma na ng ex-celebrity couple ang tungkol dito kamakailan sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Romnick, sinabi ng aktor na “heart-breaking” umano para sa kaniya ang kinahantungan ng relasyon nina Kathryn at Daniel dahil para na rin daw niyang anak ang dalawa.“I feel hurt in a way a father feel hurt about his daughter or his son. Kasi pareho silang mabait, e,” saad ni Romnick.

Dagdag pa niya: “Tingin ko sa kanila mga anak ko…Kaya it’s safe to say na wala akong kakampihan pero pareho nila akong kakampi. I love them both. Whatever it is that they’re going through, whether this turns out to be one of those humps or it turns out to be life changing in any way, I just want them to know that ako siguro ‘yung isa sa mga taong pwede nilang makatabi na wala silang dapat ikwento and I would still care for the both of them the same way.”

Matatandaang naging katrabaho nina Kathryn at Daniel si Romnick sa seryeng “La Luna Sangre” noong 2017 at “2 Good 2 Be True” noong 2022.