May request ang komedyanteng si Jerald Napoles sa dalawang bigating aktres sa showbiz industry na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Sa X post ni Jerald kamakailan, mababasa ang hinihingi niya sa dalawang aktres para sa darating na taon.

https://twitter.com/IamJNapoles/status/1730453540815159670

“Pucha pahingi nga nang Kath x Nadine movie next year! 😅❤️‍🩹” saad ni Jerald sa post.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Umami tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang post na ito ni Jerald. Narito ang ilan sa komento ng mga netizen:

“tapos ikaw yung leading man, sir!!!”

“oo nga, yung pang malakasang movie please 🙏”

“Ipaglaban natin kuya🤞🤎”

“bet sisters ang role!”

“Manifesting 🫶”

“Ittuu dapat!! Wala ng hinder!”

“Please include Liza!”

Matatandaang kagagaling lang ni Kathryn sa break up kay Daniel Padilla matapos nilang kumpirmahin kamakailan sa kani-kanilang Instagram account ang tungkol dito.

Si Nadine naman ay kumalas na rin sa kaniyang jowa at ka-love team na si Jame Reid noong 2020.

Pero sa kasalukuyan, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang dalawang aktres tungkol dito.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn