Pati ang nananahimik na rapper na si Daryl Ruiz alyas "Skusta Clee" ay nababanggit dahil sa pinag-uusapang kumpirmasyon ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!

Kagagawan ito ng social media personality na si Xian Gaza matapos niyang sabihing bakit daw hindi masyadong kinukuyog ng bashers si Daniel, pero noong kasagsagan naman ng isyu sa pagitan nina Skusta at dating karelasyong si Zeinab Harake, halos ibaon na sa lupa ang rapper dahil sa pagka-imbyerna ng mga tao.

"Nung nambabae si Daniel Padilla, ang inatake niyo ay si Andrea. Hinusgahan niyo buong pagkatao nung bata. Hindi niyo mapagsalitaan ng masama si DJ porke pogi."

"Pero nung si Skusta Clee ang may issue eh kung anu-ano mga pinagsasabi niyo," ani Xian.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB) via Balita/Richard de Leon

Sa comment section, aminado naman daw si Xian na guilty rin siya rito.

"Aminado ako, napagsalitaan ko rin ng masama si Skusta noong mga panahong hindi pa kami tropa. Pero ganun din naman ako ngayon kay DJ. Walang pogi pogi sa akin."

Dagdag pa niya, "Sa mga curious kung ano ang itsura ni Skusta Clee sa personal, siya po ay mabait."

Minention pa ni Xian ang personal Facebook account ni Skusta, "Daryl Ruiz hugs brother mishu."

Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB) via Balita/Richard de Leon

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang rapper tungkol dito.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Dahil tapos na ang halalan: mga netizen, kinuyog, binakbakan si Skusta Clee