Matapos pag-usapan ang pinag-usapan at patuloy na pinag-uusapang KathNiel break-up, sumunod namang napagkuwentuhan nina Ogie Diaz at co-hosts sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol sa kumakalat din at hindi mamatay-matay na intrigang hiwalay na rin ang longtime showbiz couple na sina Kim Chiu at Xian Lim, na sumikat sa tambalang KimXi.

Marami raw talaga ang nagtatanong at nag-uusisa sa kanila kung ano na ba talaga ang real score sa dalawa.

Mas lalo kasing naglalatang ang hinala ng mga netizen na on the rocks na ang dalawa dahil sa body language ni Kimmy kapag tungkol sa usaping pag-ibig ang paksa ng usapan nila sa "It's Showtime," sundutan pa ng mga hirit ni Vice Ganda.

Si Xian naman ay naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa mga tsikang pumapalibot sa kaniya, subalit nabitin naman ang mga miron dahil hindi naman niya sinabi kung sila pa ba o hindi na ni Kimmy.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

Lalo pang na-curious ang mga tao nang sabihin ni "Secretary Kim" na sa kanila na lang muna ang tungkol sa kanilang relasyon ni Xian, nang mauntag sa isang panayam.

Anyway, tanging sina Kim at Xian lang daw ang may karapatang magkumpirma at sumagot sa mga tanong tungkol sa kanilang relasyon.

At tila may nabuksan na namang isyu si Ogie nang tanungin niya si Xian kung sino ba ang babaeng nagngangalang "Iris Lee."

"At siyempre pasagot na rin natin kay Xian Lim kung sino si Iris Lee," anang Ogie.

"Iyang si Iris Lee daw ay non-showbiz ito na parang ewan ko, staff ng Viva o writer ng Viva na nali-link kay Xian Lim. Sino ba 'yon? Hindi rin namin kilala kasi naano lang namin sa Reddit eh. Pinag-uusapan sa Reddit 'yan," segunda pa.

Ngunit ang sumunod na usapan nila ni Tita Jegs ay tila nakakaintriga. Sey kasi ni Ogie, may isa pang nali-link kay Xian pero ang tanong ng co-host ay kung babae ulit.

"Alam mo ang pangit ng tanong mo," sey ni Ogie. "Ewan ko sa 'yo..." natatawa pang hirit nito.

Si Xian na raw ang maglilinaw niyan sa takdang panahon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Xian o Kim tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian