Mukhang magiging aktibo na ulit sa TV appearance ang komedyanteng si Awra Briguela matapos ang kaniyang pagsayaw kasama ang grupong grand finalist sa "It's Showdown" segment ng noontime show na "It's Showtime" nitong Sabado, Disyembre 3.

"and. she’s. back. 🤎," anang Awra sa kaniyang Instagram post. Kalakip ng post ang mga larawan niya habang nakasuot ng ginamit na costume sa nabanggit na pagsayaw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Batay sa komento ng mga netizen ay mukhang buo ang suporta nila sa pa-unti-unting panunumbalik ulit ni Awra sa kaniyang "regular programming."

Aliw naman ang hirit sa kaniya ng kaniyang talent manager at ina-inahan sa showbiz na si Unkabogable Star Vice Ganda nang dumako na sila sa "interview" portion matapos ang performance ng grupo.

Inusisa kasi ni Vhong Navarro ang lider ng grupo kung paano ang ginawa nilang adjustments para maturuan ng choreography si Awra, dahil hindi ito hip-hop.

Sundot ni Vice Ganda, "Nagkita-kita sila sa selda..."

Makikita namang napangiti na lamang si Awra at napatawa na lamang ang madlang people sa studio.

"Kosa, kosa ko 'to," segunda naman ni Vhong.

"Oo tapos doon sila nagturuan..."

Matatandaang nasangkot si Awra sa isang gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati at nakulong.

Nakapagpiyansa ito at nagsampa ng kontra-demanda sa lalaking nakaalitan at naunang nagsampa ng kaso laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Awra nagpasiklab sa It’s Showtime, nakatikim ng hirit kay ‘Meme’