Tila balak ni social media personality Rendon Labador na tulungang maka-move on si Kapamilya star Kathryn Bernardo. 

Sa Facebook myday ni Rendon nitong Sabado, Disyembre 2, mababasa ang mensahe niya kay Kathryn.

“Gym ang puntahan ng mga broken hearted. Kung iniwan ka ni DJ, ang gym hinding-hindi ka iiwan niyan,” saad ni Rendon.

Photo courtesy: Rendon Labador (IG)

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Dagdag pa niya: “Kung kailangan mo ng motivation para maka-move on nang mas mabilis, andito lang ang Kuya Rendon mo.”

Matatandaang kamakailan lang ay hinamon ni Rendon sina Daniel at Kathryn na umamin na sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Rendon, hinamon ang KathNiel: ‘Andriel na ba ang bago?’

At noon ngang Nobyembre 30, kinumpirma na ng dalawang celebrity couple na totoong hiwalay na sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon si Kathryn sa mensaheng ito ni Rendon.