“It’s going to be a fiesta!

Inanunsyo ng Miss Universe Philippines (MUPH) organization ang gaganaping homecoming parade para kay Miss Universe 2023 Top 10 Finalist Michelle Marquez Dee.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Disyembre 2, shinare ng MUPH na magaganap ang homecoming parade para kay Michelle sa darating na Linggo, Disyembre 10, dakong 4:00 ng hapon sa SM MOA Complex.

“We are going to have special guests and fun activities for all of you—it’s going to be a fiesta,” saad ng MUPH.

Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

“So, come in your best Miss Universe looks, prepare your loudest cheers and banners, and be ready to wave the Philippine flag high! ,” dagdag pa nito.

Inabisuhan naman ng organisasyon ang pageant fans na manatiling nakaantabay sa kanilang social media accounts para sa exciting details tungkol sa parade.

Samantala, natapos ang journey ni Michelle sa 72nd Miss Universe na ginanap noong Nobyembre 19, 2023 bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Ngunit hindi man nakapasok sa Top 5, hindi pa rin matatawaran ang karangalang inuwi ni MMD sa bansa lalo na’t apat na special awards ang natanggap niya sa nasabing pageant: ang “Best National Costume Award,” “Spirit of Carnival Award,” “Miss Universe’ fan vote,” at ang “Voice for Change Award,” kung saan naka-highlight dito ang kaniyang advocacy para sa autism acceptance at empowerment.

https://balita.net.ph/2023/11/24/michelle-dee-wagi-ng-best-national-costume-sa-miss-universe-2023/

Matapos ang kaniyang naging laban sa Miss Universe stage, umuwi na ng bansa si Michelle nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 25.

https://balita.net.ph/2023/11/26/michelle-dee-feels-good-to-be-back-home/