Nag-post si Vice Ganda ng isang mensahe para sa “broken hearts” matapos i-confirm ng long-time celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay.

“God bless the broken hearts,” maikli ngunit makahulugang tweet ni Vice kasama ang hashtag na #kathniel.

Isa si Vice sa mga nakisimpatya at nagpaabot ng pagmamahal para kina Kathryn at Daniel nang mag-post ang dalawa tungkol sa kanilang hiwalayan.

Celebrities, nakisimpatya kina Kathryn, Daniel

Matatandaang nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, nang gulatin ni Kathryn ang kaniyang fans sa kaniyang Instagram post na nagsasabing natuldukan na nga ang 11 long years nilang pagsasama ni Daniel.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” mensahe ni Kathryn kay Daniel sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/kathryn-daniel-hiwalay-na/

Ilang minuto pagkatapos nito, nag-post din si Daniel para kumpirmahin din ang breakup nila ni Kathryn.

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” ani Daniel kay Kathryn.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

“Yakap na mahigpit,” komento naman ni Vice sa magkahiwalay na post ng KathNiel.