Tila gustong sabitan ni social media personality Rendon Labador si showbiz columnist Ogie Diaz.

Sa Facebook myday ni Rendon nitong Huwebes, Nobyembre 30, sinabi niya na dapat lang umanong bigyan ng credit si Ogie dahil sa kaniyang pasabog tungkol kina Kapamilya star Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita tungkol sa hiwalayan ng dalawa noong itsika ni showbiz columnist Ogie Diaz na palihim umanong nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

At nito lang ay kinumpirma na nina Kathryn at Daniel ang balitang ito sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account bagama’t wala silang binanggit na anomang detalye tungkol sa dahilan ng hiwalayan.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Kaya sey ni Rendon: “Dahil si Ogie Diaz ang unang nagsabi nito, tapos naalala n’yo na-bash pa siya nitong nakaraan dahil sa pasabog issue niya, siguro bigay natin sa kaniya ang creditong nitong memorable day at historical na rin.”

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

“Ako mismo ang magsasabit ng medalya sa ‘yo, Ogie! Ito ang pinakamalaking achievement mo ngayong 2023. Congratulations!” aniya.

Sa huli, binati rin ni Rendon si Andrea.

“Congratulations din kay Andrea! Ikaw ang nanalo,” saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay himanon ni Rendon sina Kathryn at Daniel na magsalita na sa gitna ng bali-balitang hiwalay na ang dalawa.

MAKI-BALITA: Rendon, hinamon ang KathNiel: ‘Andriel na ba ang bago?’