Isang nakaaantig na mensahe ang ipinaabot ni Min Bernardo, nanay ni Kathryn, para sa KathNiel fans matapos ang hiwalayan ng kaniyang anak at ni Daniel Padilla.

Sa isang Instagram post, nagbahagi si Min ng ilang mga larawan kasama ang kaniyang anak at si Daniel.

“KathNiels, Kathcakes, Solid DJ maraming maraming salamat sa inyo, hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama❤️,” mensahe ni Min sa fans ng tambalang Kathryn at Daniel.

Matatandaang nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, nang magkasunod na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram accounts para basagin ang mga speculation at i-confirm na natuldukan na nga ang 11 long years nilang pagsasama.

Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” mensahe ni Kathryn kay Daniel sa kaniyang post.

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

Dahil sa pagkalungkot ng KathNiel fans, agad na nag-trending ang “My KathNiel” sa X (dating Twitter).

Ilang mga celebrity rin ang nagpahayag ng pagmamahal para kina Kathryn at Daniel.

https://balita.net.ph/2023/11/30/celebrities-nakisimpatya-kina-kathryn-daniel/