“The best Christmas present…”

Inanunsyo ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez nitong Biyernes, Disyembre 1, na magkakaroon na sila ng first baby.

Sa kanilang Instagram posts, nagbahagi ang couple ng larawan nilang dalawa kung saan makikita nga ang senyales na pregnand na si Maja.

“Our growing family 🎄👶🏻,” caption ni Maja sa kaniyang post.

Maja Salvador at Rambo Nuñez, kinasal na!

“The best Christmas present we could ever ask for 🎁👶🏻,” saad naman ni Rambo sa kaniyang post.

Matatandaang noong Hulyo 31, 2023 nang ikasal sina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia.

Congrats, Maja & Rambo!