Nalungkot din si TV host-actress Jolina Magdangal sa kinahantungan ng relasyon nina Kapamilya stars Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Tuluyan na kasing kinumpirma ng dalawa ang bali-balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

National

Bagyong 'Bebinca' nakapasok na ng PAR, tinawag nang 'Ferdie'

Sa Instagram account ni Jolina nitong Biyernes, Disyembre 1, nagbahagi siya ng mga larawan kasama sina Kathryn at Daniel.

“Haaay… akala ko ok lang ako… hanggang sa napanaginipan ko na silang dalawa… pagising ko bigat talaga ng dibdib ko at naiisip ko sila,” saad ni Jolina.

Dagdag pa niya: “Tapos humarap ako sa salamin.. sabi ko sa sarili ko.. ‘wag mo na pigilan.. nalulungkot ka talaga para sa kanila kasi deep in your heart KathNiel fan ka’.”

Pero dahil may KathNiel heart umano si Jolina, magiging masaya pa rin daw siya para sa dalawa.

Sa huli, kinumusta ni Jolina ang kaniyang mga kapuwa KathNiel fan: “Kung KathNiel ka.. kamusta ka?”

“Itu parang di makagalaw, parang ayaw magwork pwede ba irason yun momshiejols wag na muna magwork kasi broken hearted sa kathniel? 🥺” komento ng kaniyang “Magandang Buhay” co-host na si Melai Cantiveros-Francisco.

Sagot naman ni Jolina: “@mrandmrsfrancisco malamang sasabihin ng mga mema… ang o-oa natin.. basta tayo momshie mels… WALANG PAKIELAM! Sad tayo.😔”

Narito ang ilan pang mga komento ng mga fans:

“Sobrang lungkot din 😔”

“same here...bkit ako masyadong apektado nagising pako ng 2 am..pra mag browse ulit 😢”

“Affected tayong lahat....pati senior citizens..di lang millenials at gen z...bakit nga ba?”

“Nagpapakatatag pa rin. Masakit man pero kailangang tanggapin. Yakap na mahigpit with consent mamshie Jolina! 🤍🥺🫂”

“Eto, pigil na pigil umiyak. Hirap kasi pag tinanong ng anak ko kung bakit ako umiiyak. Pano ko eexplain😅”

“I feel you, momsh.💔Napuyat din ako. 😢”

“Ito umiiyak parin po hanggang ngayon😭💔 ...Ang oa ko po? ..pero sobrang sakit talaga eh 😭😭”

“SOBRANG SAKIT at HIRAP TANGGAPIN PERO KAILANGAN 😭😭😭😭😭😭😭”