Kasado na ang face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong civil engineer ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Sa tala ng PRC nitong Huwebes, Nobyembre 30, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa darating na Disyembre 23, 2023, dakong 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Plenary Hall, Philippine International Convention Center (PICC), CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City.

“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of December 22, 2023, at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.

Iaanunsyo naman umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

Pagkatapos ng oathtaking, ayon sa PRC, magpapatuloy ang inductees sa kanilang initial registration sa pamamagitan ng pagkuha ng online appointment sa http://online.prc.gov.ph sa darating na Pebrero 7 hanggang 9, 12 hanggang 16, 19 hanggang 23, 26 hanggang 29; Marso 1, 4 hanggang 8, at 11 hanggang 12, 2024.

For those attending the oathtaking at PICC, please contact 09054298533 and 09451233103, Mondays to Saturdays from 9:00 A.M. to 4:00 P.M., or proceed to Room 315, 3rd Floor, Don Lorenzo Building, P. Paredes Street corner Morayta Street, Sampaloc, Manila,” saad ng PRC.