Tila hindi gustong makisawsaw ni social media personality Bryanboy o kilala rin bilang “Ninang” sa gitna ng ingay na dulot ng break up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Kinumpirma na kasi ng dalawang celebrity couple ang matagal nang kumakalat na balita na hiwalay na umano sila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa Facebook post ni Bryanboy nitong Biyernes, Disyembre 1, sinabi niyang hindi naman umano siya yayaman sa pangingialam sa isyung nina Kathryn at Daniel.

“Hindi po ako yayaman kapag pinakialaman ko yang #Kathniel na yan so please layuan nyo po ako parang awa nyo na,” aniya.

Dagdag pa ng social media personality: “Lord, huwag nyo na po akong tanungin sa mga ganyan! Wapakels po tayo. Bahala na sila.”

Sumang-ayon naman ang mga netizen sa sinabing ito ni Bryanboy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“True buhay nila un stress lang aabutin sa kanila hindi nmn nila tayu kilala bakit mamomoroblema tayu sa hiwalayan nila 🤣🤣”

“TAMAA!!!!😅”

“True...uunlad ba ang Pilipinas sa pagkaka hiwalay nila magkakaron b ng trabaho ang mga mahihirap mawawala ba ang mga krimen dito sa ating bansa kaloka!”

“Bat kaya ang dmi naman kse affected na nanlumo dahil sa hiwalayan na yan eh wala naman talagang forever.tsk tsk”

“Love ko talaga tong si Ninang, prangka eh😍”

“Super agree Ninang! 😂”

“True madam . Life nila un .my knya knya po taungnproblema po dba?”

“Sa Pinas lng talaga lahat lahat nlng jusku😂”

“Sila ung uunlad at yayaman 🤣 kasi ung problema nila ni lilive nila sa social media kanya kanyang diskarte na silang tatlo.. pataasan lang ng views 🥴 tapus ni piso die rin naman sila mag bibigay 😂🤣”