Nagbigay din ng reaksiyon si dating Senador Bam Aquino sa kinahantungan ng relasyon nina Kapamilya stars Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa Facebook post ni Aquino nitong Huwebes, Nobyembre 30, nagbahagi siya ng art card ng mga larawan ng KathNiel at may kasama pang panalangin.

“Ganito na kami mag-move on sa Viber group chats 😅 Dasal na lang talaga,” ani Aquino.

Dagdag pa niya:”Salamat, KathNiel! And may God bless ALL OF US in our healing process 🙏”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nagbahagi rin naman ng reaksiyon ang mga kapuwa KathNiel fan ni Aquino. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.“Yes,give way for respect 🙏Kath deserve you ❤️ and carrying for lifetime. God has a purpose to heal no matter what.”

“sila pa nman naging batayan ng mga kabataan ngayon couple goals,,11 years is 11 years, ang sakit lang as KN fan🥺💔”

“Bakit ang sakittsakit 😭😭😭”

“Right decision though hurting, Kath. Saludo ako sayo.”

“At least 11 years ang pagmamahalan Sir Bam. Who knows someday they realize, they belong to one another. Pero yung isa 11 days lang at hanggang ngayon wala pang clear na reason kung saan nya dinala ang pera ng bayan🤨✌️”

Matatandaang tuluyan nang tinuldukan nina Daniel at Kathryn ang umuugong na isyung hiwalay na silang dalawa matapos nila itong kumpirmahin sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn