Tila nagkakamabutihan umano ang dalawang “Senior High” stars na sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas ayon sa source ni showbiz columnist Ogie Diaz.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Nobyembre 30, tila hinamon ni Ogie sina Andrea at Elijah na sagutin ang tungkol sa isyung ito.

“Ito naman ay nakarating lang sa atin. ‘Wag n’yo akong utusang mag-verify. Sila ang hintayin nating sumagot kung gaano katotoo na itong si Andrea Brillantes ay may bagong nililiyag,” saad ni Ogie.

“Itanong na rin natin: ‘gaano katotoo na nagkakamabutihan na itong sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas?’” sabi pa ni Ogie.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sey tuloy ng co-host niyang si Ate Mrena: “Kaya siguro in-unfollow ni Miles Ocampo itong Blythe baka dahil diyan.”

MAKI-BALITA: Andrea sinisisi, kinaladkad sa hiwalayang Elijah-Miles

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na ni Elijah na ilang buwan na raw silang hiwalay ni Miles.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon, pahayag, o reaksiyon ang mga sangkot na artista tungkol dito.