Binabatikos ngayon ng netizens si Alora Sasam matapos mag-post ng “shot puno” meme, wala pang isang araw matapos ang kumpirmasyon ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Habang isinusulat ito, trending topic ngayon sa X si Alora.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Alora ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Kathryn sa showbiz industry.

Sa deleted social media post, ipinost ni Alora ang picture nila ni Kathryn. May caption itong, “December 1: Philippine National Shot Puno Day.”

“Kathryn: Shot puno mamaya. Bawat tumakas,” nakalagay sa picture. “Alora: Pwede iwan ko na lang atay ko? Balikan ko bukas.”

Nang makita ito ng KathNiel fans, binatikos nila agad si Alora. Anila, napaka-insensitive nito kahit pa kaibigan nito si Kathryn.

“nag deactivate na ako kanina tas bumalik lang talaga ako dito dahil sa mga nalaman ko at isa ka dun alora tangina, tas magsusumbong ka kay kathryn loo matagal ka na talagang insensitive pero pinamukha mo talaga ngayon kung gaano ka ka-insensitive”

“pasalamat ka sobrang bait ni kathryn sayo tangina ka, epal ka na nga sa lahat ng ganaps tapos ngayon napakainsensitive mo alora”

“Yung pinamukha ni Alora noh na sya tatawagan kasi broken hearted ang kaibigan. Kasi nga feeling nya relevant sya. Kasi nga gusto nya maging bida. Sarap mong sungalngalin. Di pa ko tapos.”

“TANGNA MO @alorskieee ikaw tlaga ang SALOT kailan kaba aalis sa buhay ni kath. @min_bernardo kung ayaw nyo pong malasin career  ni kath paalisin nyo po sa buhay nya ang USER na Alora na yan.Dami napo nyang palpak na ginagawa isa syang SULSOL.Nakasira kna nman ng relasyon.”

“Tangina ni alora, baka ano ano pa sinabi kay Kathryn sa bakasyon nila sa bali”

“Grabe noh? Kahit hindi nga fans naiyak dun sa breakup nila. Pero yung mismong kaibigan nakuha pang gumawa ng meme in less than 24 hours the confirmation happened.”

“Hello po. Alora post an insensitive post, a meme of her and kath. Konting respeto lang naman po sana ang hinihingi ng KNs tapos may paganun siya. Masakit po ito sa amin. Ginawa niyang katatawanan ang lahat”

“all of us are praying for healing, kahit mga non-fans and some people in the industry na hindi naman ganon ka-close ng kathniel. pero ginawan mo lang ng meme at katatawanan yung kaibigan mo, alora.”

“Taena mo, alora. Kaka praise ko pa sayo kanina. May aning aning ka sa utak. May pinagdadaanan yung tao ganyan ka.”

“clout chaser ka lang talaga, imagine knowing the pain your friend went through and yet you even made an effort to create a meme making fun of that? yikes, ano na alora? character development naman!”

Alora, jusko naman hanggang ngayon ba magkakalat ka?”

Samantala, humingi na ng sorry si Alora.

“Hello po, sorry, insensitive joke po. Mali ako. Di na po mauulit. Sorry po. Deleted na po.”

https://twitter.com/alorskieee/status/1730460176212545689

Matatandaang binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang katahimikan hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” ani Kathryn kay Daniel sa kaniyang Instagram post.

Maki-Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

Maki-Balita: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn