Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na tripulante ng cargo fish carrier na MV Chacha 101 matapos masiraan ng makina malapit sa San Jose, Occidental Mindoro kamakailan.

Sa social media post ng PCG, kaagad na nagresponde ang mga tauhan nito sa karagatang malapit sa Ambulong Island, San Jose, nitong Nobyembre 29, dakong 8:00 ng gabi matapos matanggap ang impormasyon kaugnay ng insidente.

Natagpuan ng mga rescue team ang barko 16 nautical miles o mahigit sa 29 kilometro timog kanluran ng Ambulong Island.

Sinabi ng Coast Guard, nagmula sa San Jose, Mindoro ang barko at patungo na sana sa Calandagan, Palawan nang maganap ang insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala sa Port of Caminawit sa San Jose ang siyam na crew at maayos na ang kalagayan, dagdag pa ng PCG.