SAN JOSE DE BUENAVISTA, Antique – Puwede ng tirhan ang 770 housing units para sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa Laua-an pagsapit ng Disyembre 15.
Sa panayam, sinabi ni Eby Archangel Butiong, head ng Antique Provincial Housing Affairs and Resettlement Office (PHARO), patapos na ang contractor ng National Housing Authority (NHA) relocation site sa Barangay Lugta, Laua-an.
“Repair of the windows and doors and repainting of the housing units are almost done,” aniya.
Hindi kaagad naibigay sa mga benepisyaryo ang pabahay noong 2017 dahil na rin sa pagbaha sa lugar at inayos din ang iba pang yunit na nasira ng bagyo.
Matatandaang binayo ng bagyo ang lugar noong Nobyembre 8, 2013.
PNA