Camp BGen Guillermo Nakar, Lucena City - Arestado ang siyam na drug suspect sa magkakasunod na anti-drug operations ng pulisya sa Quezon nitong Nobyembre 29.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa paunang report ng Quezon Police Provincial Office, hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng pitong suspek.

Ang pitong suspek ay dinampot sa Lucena City, Tayabas, Buenavista, Calauag, Candelaria at Tiaong nitong Miyerkules.

Tinatayang aabot sa 139 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,853,756.00 ang nasamsam sa serye ng police operation.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.