Muling sinariwa ng netizens ang pelikulang “The Hows of Us,” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan.

Habang isinusulat ito, trending topic sa X ang “The Hows of Us,” ngayong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Makikita sa X na sinariwa ng netizens ang ilan sa mga movie lines ng dalawang showbiz personalities. Bukod dito, tila may mga realizations din ang ilang mga netizens.

Matatandaang binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang katahimikan hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” ani Kathryn kay Daniel sa kaniyang Instagram post.

Maki-Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

Maki-Balita: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn