Maging si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda ay nagkomento hinggil sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kung saan sinabi niyang ngayon na umano ang oras para “mag-sorry” ang mga tao kay Ogie Diaz.

Matatandaang nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, nang magkasunod na nag-post sina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang Instagram accounts para basagin ang mga speculation at i-confirm na natuldukan na nga ang 11 long years nilang pagsasama.

https://balita.net.ph/2023/11/30/daniel-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-kathryn/

Kathryn, Daniel, hiwalay na

"Wala talaga forever pero meron lage tomorrow. Mag sorry na kayo ki Ogie,” saad naman ni Salceda sa kaniyang Facebook post nito ring Huwebes ng gabi.

Ang naturang pahayag ng kongresista ay kaugnay ng naunang “tsika” kamakailan ni Ogie na hiwalay na ang KathNiel dahil palihim umanong kinikita ng aktor si Andrea Brillantes.

https://balita.net.ph/2023/11/09/sitsit-ng-source-ni-ogie-daniel-at-andrea-palihim-na-nagkikita/

Ito ang pinagmulan ng ispekulasyon sa social media hinggil sa naturang hiwalayan ng KathNiel bago pa man ito tuluyang kumpirmahin ng dalawa.