Ipinagmalaki ni Rendon Labador sa kaniyang social media account na isa lamang siyang simpleng tao.

Matapos ang umano’y pasaring ng social media personality-negosyanteng si Rosmar Tan Pamulaklakin sa kaniya, nag-post si Rendon sa kaniyang Facebook account.

‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

“Hindi ako mayaman at hindi din ako pulitiko. Si Rendon Labador ay isang simpleng tao lang at ang kaya ko lang ipagmalaki sa inyong lahat ay ang pagiging totoong tao sa harap ninyo,” aniya.

“Gusto kong gamitin ang #BosesNgBayan para tumulong! Ramdam ko kayo #LabLabLabador,” dagdag pa niya.

Kalakip ng naturang post ang dalawang larawan kung saan makikitang bumibili siya ng tusok-tusok.

“Mas masaya yung simpleng buhay,” sey pa niya sa comment section.

Matatandaang sa isang Facebook post ni Rosmar nito ring Huwebes, humingi siya ng pasensya tungkol sa tumatahol niyang “labrador.”

“Pasensya na kayo kung tumatahol yung labrador ko. Panay motivational rice kasi kinakain walang nutrisyong nakukuha. Paano ayaw ng dog food,” sey ni Rosmar.

Maki-Balita: ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol