Napagkuwentuhan ng co-hosts na sina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa umano'y pag-uusap na raw ng mga abogado nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaugnay ng ilang usapin patungkol daw sa kanilang negosyo.

"Ang nangyayari ngayon, 'yong abogado ni Kathryn at Daniel inaano na ngayon 'yung halaga ng ipinuhunan nila sa kaniya-kaniyang negosyo na pinagsaluhan nila," pahayag ni Cristy.

"So, pag ganyan nang nagbabawian na ng investment, ano ibig sabihin noon?" dagdag pa.

Matatandaang maugong ang tsikang hiwalay na sina Kathryn at Daniel.

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Hinamon naman ni Cristy ang ina ni Daniel na si Karla Estrada na magharap-harap sila, kahit isama pa ang source na nagsabi sa kaniyang mula mismo sa bibig ni Karla nanggaling ang kumpirmasyong hiwalay na talaga ang KathNiel.

MAKI-BALITA: Cristy, hinamon si Karla: ‘Tatlo tayong magharap-harap’

MAKI-BALITA: Karla Estrada, nagsalita na tungkol sa isyung hiwalayan ng KathNiel

Ngunit mariin naman itong pinabulaanan ni Karla subalit hindi naman malinaw kung ano ba ang pinasisinungalingan ni Karla: kung sa kaniya nanggaling ang kumpirmasyon, o kung hiwalay na ba talaga ang anak kay Kathryn?

Well, sabi nga, "time is the ultimate truth teller!"