Tila nagpahayag ng pagkagusto ang award-winning actor na si Jericho Rosales na makatrabaho si Outstanding Asian Star at isa sa A-listers ng Kapamilya Network na si Kathryn Bernardo.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Echo ang photo collage ng mga leading men na sina Enrique Gil, James Reid, at Donny Pangilinan, ngunit nasa gitna si Kath.

"While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with Kath at this moment," aniya.

Photo courtesy: Jericho Rosales (IG)

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Hindi pa nagkakasama sa isang proyekto sina Echo at Kath kahit pareho silang nasa ABS-CBN.

Pero si Kath ang gumanap bilang "Yna Macaspac" sa remake ng seryeng "Pangako Sa 'Yo" noong 2015, na unang pinagtambalan nina Echo at ex na si Kristine Hermosa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kathryn tungkol dito.