Usap-usapan ang tila "parinigan" cryptic posts daw nina Kyline Alcantara at Carmina Villaroel sa kani-kanilang social media accounts.

Matatandaang napapa-tsismis na hiwalay na raw sina Kyline at ang isa sa anak ni Mina na si Mavy Legaspi, batay sa hula-hula ng mga netizen dahil sa kaniyang cryptic posts.

Bago pa kumalat ang tsika tungkol dito, matatandaan ding sinabi ng kambal ni Mavy na si Cassy Legaspi na civil lang sila ni Kyline.

At nang bumoga nga ang isyung Mavy-Kyline breakup ay mega post naman si Mina ng sweet message niya para sa dalawang anak.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Dear Mavy and Cassy," ani Carmina.

"People can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds."

"Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best."

Sa isa pang X post, ibinahagi naman ni Mina ang isang art card na may mababasang "Mom knows best."

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Pagkatapos, si Kyline naman ay may post sa kaniyang IG story na ang mababasa ay " i was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realized, [whose] peace is it keeping."

Photo courtesy: Kyline Alcantara (IG)

Samantala, si Carmina naman ay nag-post ng isang art card sa kaniyang X account na may mababasang "Protect your peace."

https://twitter.com/minavillarroel/status/1729723953264869477?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Jusko puro kayo peace peace pero panay naman parinigan nyo sa stories nyo. Nu buh!"

"Ano ba itong nanay na ito parang bata! Sya pa talaga sumasagot habang ang anak tahimik. Itong si Mina toxic na MIL ito sigurado."

"For someone na naghahanap ng peace of mind, pareho silang maingay. Ang protect you peace na posts nila ay clearly parinigan serye."

"Mahirap talaga kapag nagiging family affair yung love life nilang mag bf. Aside sa mother eh may sister pa na kailangan tanchahin ng bongga."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag o kumpirmasyon ang kampo nina Carmina at Kyline tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin