Pumanaw na ang social media personality na si Sammy Manese nitong Miyerkules, Nobyembre 29, ayon sa kaniyang kaanak at kaibigan.

Kinumpirma ni Bea Manese, kaanak ni Sammy, ang pagpanaw ng social media personality.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved family member Sammy Manese,” ani Bea sa isang Facebook post.

“May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. We ask for your prayers, respect, and privacy during this time,” dagdag pa nito.

Bukod kay Bea, nag-post din ang kaibigan ni Sammy na si “Yoo Na.” Aniya, mamimiss niya raw ang kaniyang minamahal na kaibigan.

"To my bestfriend, Mahal na mahal kita sobra 🫶🤍 Hindi ko matatanggap at never ko matatanggap na wala kana, ang sakit sobra hindi namin alam kung pano ulit magsisimula ngayong wala kana samin 😭 Thankyou sa lahat ng tulong at binigay mo samin 🫶🤍 Sobrang bata mopa para bigyan kami ng bahay at sasakyan sobrang proud ako sayo 🫶🤍 Miss ko na magtago ng pagkain at softdrinks para lang ipakain sayo dahil bawal ka nga sa mga softdrinks at miss na miss kona yung mga chikahan natin at panlalait dahil sobrang maldita mo nga 😭 Sobrang dami mong taong pinasaya at sobrang daming nagmamahal sayo mahal na mahal kita 🫶❤️ Rest in paradise mahal ko hinding hindi kana mahihirapan 😭❤️"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Bea, sinabi niyang acute respiratory failure ang dahilan ng pagpanaw ni Sammy.

Dagdag pa niya, mag-18 anyos na sana ang social media personality ngayong Disyembre 11.

Nakilala si Sammy dahil sa kaniyang mga kwelang videos na ina-upload niya sa kaniyang YouTube channel na kasalukuyang may 1.93 million na subscribers. Pati na rin ang Facebook niya ay mayroong 1.1 million na followers.

Samantala, trending topic sa X si Sammy dahil sa pakikiramay ng netizens.

Rest in peace, Sammy!