Nag-react umano ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda hinggil sa usap-usapang blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang lalaking artista aktor na na-booking ng isang international singer na bumisita sa Pilipinas kamakailan, sa halagang ₱1M per night.

Ang terminong "booking" ay ginagamit kapag may transaksyon sa isang usapang "one night stand" na may kapalit na halaga.

Pero sey naman ni Darryl malay raw ba natin kung anong ginawa nila sa hotel kung saan sila nag-check in ng dalawang gabi!

"Basta, may alam akong lalakeng artista na nabooking ng international singer na pumunta dito sa bansa kamakailan lang. nagcheck-in sila. 2 nights. parang 1M per night. pero malay naman natin kung ano’ng ginawa nila, baka nagkantahan lang sila ng 'unholy,'" sey ni Yap sa kaniyang FB post noong Linggo, Nobyembre 26.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Bukod dito, nagbigay pa ng ibang clues si Yap sa pagkakakilanlan ng pa-booking na artistang lalaki at international singer.

"CLUE SA NABOOKING NG INTERNATIONAL SINGER: may kaapelyidong singer."

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

"Next Clue: Hindi sya Kapamilya."

"kaya minsan maganda yung mabait ka sa mga hotel staff para di ka naichichika.

mahirap kalaban ang nakaduty."

"LAST CLUE: kapag nacompute mo sa 'FLAMES' ang pangalan ni INTERNATIONAL SINGER at HINDI KAPAMILYA ACTOR, “E” ang lalabas… E as in EKEDE, EKEDE MENELE."

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Marami naman sa mga netizen ang naglabas ng kani-kanilang hula kung sinong "Hindi Kapamilya" actor ang tinutukoy ni Yap. Isa sa mga pangalang lumutang nga ay si Kelvin Miranda. Bagay na inalmahan naman ng Kapuso actor na bibida sa spin-off ng Encantadia na "Sang'gres."

Nakakaloka dahil sa live daw na ginawa ni Kelvin ay agad niyang nilinaw ang tungkol sa bagay na ito.

Mababasa ang statement daw ni Kelvin sa isang fan-page na nakapangalan sa kaniya.

"Kaniya-kaniya naman 'yan. Nirerespeto ko naman lahat ng ano, kung papaanong tinatanggap ng mga tao 'yong mga ganiyang bagay. Feeling ko naman, hindi naman galit 'yon si Direk Darryl Yap sa akin. Hindi naman siya nag-drop name or nagbigay ng ano... 'Yong mga tao talaga nagbibigay ng pangalan ko. Hindi ko naman sila kilala 'di ba? Hindi rin naman nila ako kilala," mababasa sa mga kumakalat na pubmat.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Yap tungkol dito.