Hot topic nina Cristy Fermin at Romel Chika sa programang "Cristy Ferminute" nitong Martes, Nobyembre 28 ang pagkakadawit kay Kapamilya star Andrea Brillantes sa hiwalayang Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Matatandaang inamin mismo ng "Senior High" star na si Elijah sa panayam ng ABS-CBN News na wala na sila ni Miles. Hindi na nagbigay ng anumang detalye ang award-winning actor hinggil sa dahilan ng breakup.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, Miles Ocampo hiwalay na

At sey nga ni Cristy, may ilang sinisisi raw si Blythe dahil sa hiwalayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakakaawa na raw si Andrea sey naman ni Romel dahil porke't napabalitang inunfollow ni Miles si Andrea dahil sa isyu kay Kathryn, idinidikit naman daw ang aktres sa kanila ni Elijah.

Magkasama sina Andrea at Elijha sa nabanggit na serye na umeere sa Primetime Bida.

Nakakaawa raw si Andrea ayon naman kay Cristy dahil wala pa namang resibo o patunay na makapagsasabing siya talaga ang dahilan ng pagkasira umano ng relasyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Masyado siyang paborito 'di ba," sey pa ni Cristy.

"Kawawa naman si Andeng, 'wag naman po."

Pero in fairness, kaka-ganito raw kay Andrea ay lalo raw lumalakas ang appeal at kasikatan nito.

Kaya wish naman daw ng ilang netizens, sana raw ay basagin na ni Andrea ang kaniyang katahimikan.