Para kay Cristy Fermin, pagdating sa looks ay wala raw binatbat o panama si Kathryn Bernardo kaysa kay Andrea Brillantes, ayon sa kanilang showbiz news vlog na "Showbiz Now Na" kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sey kasi ni Wendell, ilang fans daw ang gumawa ng photo collage at pinagkumpara ang dalawa, na napababalitang nag-unfollowan sa isa't isa kaugnay ng isyung hiwalayan nina Kathryn at longtime boyfriend na si Daniel Padilla.

Pagdating daw sa boobelya ay angat na angat daw si Blythe kaysa kay Kathryn.

Pahayag naman ni Cristy, "Pero postura at postura, talagang may ilalaban ‘yong Andrea. Wala talagang binatbat si Kathryn. Tanggapin natin ang katotohanan. Paglakad, pagrampa lalong wala ‘di ba. Model-model talaga si Andrea. Hindi siya pupuwedeng mapintasan sa ganoon."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“So tayo’y nagkakaisa sa pagsasabing malakas ang appeal ni Andrea."

Pinuri pa ni Cristy si Andrea dahil iba na raw ang pananaw nito. Kung dati raw ay "benggadora" ang aktres, ngayon daw ay dedma na ito sa mga isyu at mas nakatuon na lang sa mga positibo.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel