Nagbigay ulit ng pahayag ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu hinggil sa isyu ng hiwalayan nila ng jowang si Xian Lim.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN nitong Lunes, Nobyembre 27, tinanong si Kim kung anong latest sa kaniyang lovelife.

“Kayo pa ba?” usisa ni Gretchen Fullido.

"Sa amin na lang muna 'yun. We'll just keep it to ourselves na muna," sagot ni Kim.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagsalita si Kim tungkol sa relasyon nila ni Xian. 

Sa isang press conference ng show niyang “Linlang” ay nauna na niyang pinabulaanan na hiwalay na umano sila ng jowang aktor.

Pero umugong pa rin ang balita na hiwalay na silang dalawa nang usisain si Kim ng co-host niyang si Vice Ganda sa isang episode ng “It’s Showtime”.

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Ilang araw matapos ito, naglabas din si Xian ng pahayag hinggil sa mga isyung umaaligid sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya