‘Rest in Peace, Mali! ’

Pumanaw na ang elepanteng si Vishwa Ma'ali o mas kilala bilang “Mali” sa Manila Zoo nitong Martes, Nobyembre 28.

Kinumpirma ito ni Manila Mayor Honey Lacuna sa isang pahayag na inilabas ng Manila Public Information Office.

Ayon kay Lacuna, pumanaw si Mali, na nasa mahigit 40-anyos ang edad, dakong 3:45 ng hapon nitong Martes.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

“Sa kasalukuyan po ay ginagawa natin ang necropsy upang malaman natin ang tunay na dahilan ng kaniyang pagkamatay,” ani Lacuna.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Maynila, si Mali ang tanging elepante na naninirahan sa bansa.

Ipinadala umano siya ng gobyerno ng Sri Lanka bilang donasyon sa Pilipinas noong 1970s.

Mula noon, siya na ang nagsisilbing mukha at isa sa mga talagang dinadayo sa Manila zoo.