Tampok sa usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez si Superstar at National Artist Nora Aunor o “Ate Guy”.

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Now Na” noong Linggo, Nobyembre 26, binanggit ang reklamo umano kay Nora ng ilang kasamahan sa industriya.

“Si Miss Nora Aunor, alam naman po ‘yan, open secret po ‘yan. Na siya’y nag-iisang Superstar. Kung tawagin ay pinakamaningning na bituin sa langit,” saad ni Cristy.

“Pero talaga naman pong inirereklamo siya ng produksyon, ng mga direktor, at mga kasamahan. Kasi ang atin pong superstar—lalo na noon—na kapag ang call time ay umaga, dumarating po siya ay hapon na,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa niya: “Kapag diumano ay nakuha na niya ang talent fee, tinatamad na siyang mag-trabaho.”

Wala namang partikular na detalyeng binanggit pa si Cristy kung anong produksyon o kung saang proyekto ito ginawa ni Nora. Pero kung matatandaan, ang pinakabagong proyekto niya ngayon taon ay ang "Pieta" na idinirek ni Adolfo Alix, Jr.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang ano mang tugon, pahayag, o reaksiyon si Nora hinggil dito.