Trending sa X ang pangalan ni "Cristy Fermin" dahil sa isyu ng pagsagot niya kay Unkabogable Star at It's Showtime host Vice Ganda sa naging hirit nito tungkol sa isang "Cristy" na gumagawa ng kasinungalingan.

Photo courtesy: Screenshot from X

“Kumusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?” tanong ni Vice sa contestant.

MAKI-BALITA: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nakarating naman kay Cristy ang nabanggit na hirit ni Vice, at sinabihan niya itong kahit na wala siyang binanggit na apelyido o tinukoy na tao, hindi raw siya isinilang kahapon para matukoy na siya ang binanatan nito.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

Kaya panawagan niya kay Vice Ganda, bakit hindi na lang siya diretsahin nito gaya ng pandidiretso niya rito sa tuwing binabanatan niya.

Sinabi pa ni Cristy na hindi raw tunay na babae si Vice Ganda.

“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka Vice Ganda. Nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kapag ika’y bumibiyahe sa isang mahabang-mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno, at doon ka ji-jingle [iihi]…”

MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’

Bagay na pinalagan naman ng LGBTQIA+ community at nanawagan sila sa TV5 na paalisin na sa network ang showbiz columnist.

Isa sa mga bumanat sa kaniya ay ang award-winning writer na si Jerry Grácio.

MAKI-BALITA: Jerry Grácio binanatan si Cristy Fermin

Umeere kasi sa One PH ang kanilang "Cristy Ferminute" ni Romel Chika kung saan "fearless" na nagbibigay-komentaryo si Cristy sa mga isyung may kinalaman sa showbiz.

Narito ang ilan sa mga kuda at hanash ng netizens sa X.

"Kick Cristy Fermin out!"

"MANAWAGAN KAY MA'AM LUCHI at SIR GUIDO ng TV5, patanggalin na si CRISTY FERMIN SA NETWORK NINYO. ALAM NAMAN KASI, YUNG CRISTY FERMINUTE KASI SA RADYO AT TV, PURO NAMAN KASINUNGALINGAN ANG BINABALITA NILA SA MGA ARTISTA. and also i-boycott na rin ang BULGAR na TABLOID."

"I think@TV5manila should really be doing something na on Cristy Fermin, the way ABS-CBN did during her heyday. Unethical na. Nakakasira sa bini-build na imahe ng network."

"#tv5 pwede bang pagpahingahin nyu na si cristy fermin.. she should not be given the flatporm na manira ng kapaw nya."

May ilang netizen naman ang tila nagpahayag ng suporta kay Cristy at gigil naman kay Vice Ganda.

"Butt hurt mga Fans ni Vice. Kasi totoo. Bwhahahaha. Mahirap sanggain pag totoo na sinasabi sau."

"Gimmick lang ni Cristy Fermin ito para pag usapan at panoorin ang It's Showtime. Lagpak sa ratings ang palabas ng baklang bastos."

"Uyyyyy ang ganda mo jan Cristy Fermin."

"Sorry for Team Cristy ako. Totoo naman sinasabi niya hahaha. Nananahimik siya eh, binanatan siya ni Vice."

Samantala, wala pang pahayag tungkol dito si Cristy.