Ipinaabot ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kung gaano raw siya kasaya sa kaniyang pagbabalik sa bansa matapos ang kaniyang naging laban sa El Salvador.
Sa kaniyang Instagram post, nag-share si Michelle ng ilang snaps sa ginanap na ‘grand salubong’ para sa kaniya ng Miss Universe Philippines at ng kaniyang fans nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 25.
“Feels good to be back home. 🇵🇭 with or without the crown, all of you made me feel like I was a winner,” ani Michelle.
“Last night was so overwhelming! All I could feel was so much love and support from all of you. It was definitely not an easy road to get to this point but everything was well worth it! Madami pa tayo pagdadaanan and I can’t wait to bring you along the ride with me. 🖤 mahal na mahal ko kayo #FILIPINAS.”
“Maraming Salamat. 🙏🏻🇵🇭 sobrang nakakataba ng puso 🥹 I can’t wait to see you all soon at the parade!” saad pa niya.
Matatandaang natapos ang journey ng Pinay beauty queen sa ginanap na Miss Universe noong Nobyembre 19, 2023 bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.
Pero hindi man nakapasok sa Top 5, hindi pa rin matatawaran ang karangalang inuwi ni Michelle sa bansa lalo na’t apat na special awards ang natanggap niya sa nasabing pageant: ang “Best National Costume Award,” “Spirit of Carnival Award,” “Miss Universe’ fan vote,” at ang “Voice for Change Award,” kung saan naka-highlight dito ang kaniyang advocacy para sa autism acceptance at empowerment.
https://balita.net.ph/2023/11/24/michelle-dee-wagi-ng-best-national-costume-sa-miss-universe-2023/