Hindi na bago sa komedyante-online seller na si "Kiray Celis" ang pagpo-post ng kaniyang "wetpaks" sa social media.

Hindi dahil sa trip niya lang, kundi dahil nagbebenta siya ng mga produktong pampaputi ng behind at singit.

Kagaya nga sa latest Facebook post niya nitong Sabado, Nobyembre 25, kung saan makikitang nakababad sa swimming pool si Kiray at ipinakita ang kaniyang "pwetmalu" o pwet na malupet!

"Mapa singit man, wetpaks, tuhod, batok or kilikili.. wag kang mawawalan ng pag-asa!," mababasa sa caption ng kaniyang pag-endorso sa isang produkto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

At siyempre, marami na naman sa mga netizen ang "nanggigil" sa kaniyang pwet.

"Ang kinis at ang puti ng wetpaks mo mii"

"buti may wetpaks may asset hehehe"

"Sana all maputi"

"ang puti at kinis idol"

"Idol yung natural na ikaw ay sapat na.. Hanga aq sau miss kiray..dahil lhat gagawin mo pr sa pamilya mo...❤❤❤mapaligaya mo mamat papa mo..higit kitang hinahangaan miss kiray kc ikaw yung totoong nakikita kung tao na mapagmahal sa pamilya..love you miss kiray..more success anak...im very proud of you..❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤"

May mga nag-tag pa nga kay "Senyora," ang social media personality na madalas na makabardagulan ni Kiray.