Finally ay nagkita na ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis at Kapuso star Bea Alonzo sa birthday party ng isang beauty product owner.

Ang tanong, nagkasuguran at nagkasumbatan ba?

Matatandaang dumating ang moment na halos araw-araw birahin ni Lolit sa kaniyang Instagram posts si Bea matapos siyang hindi maimbitahan umano sa media conference ng kaniyang beauty product endorsement. Kagagawan umano ito ng manager ni Bea na si Shirley Kuan.

Ngunit matapos magsalita ni Shirley laban kay Lolit ay nanahimik na ang huli at ipinangako niyang hindi na magsasalita o magsusulat pa ng negative news tungkol sa aktres.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

At nito ngang Sabado, Nobyembre 25, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas ng dalawa.

Si Lolit umano ang unang lumapit kay Bea at humingi ng sorry.

"Kahit noon pa sinasabi ko, kahit saan tayo magkita, magso-sorry ako. Talagang that time, ang ano ko lang naiinis ako sa isang taong malapit sa kaniya," ani Lolit sa panayam ng media peepz at ulat ng GMA News.

Sey naman daw ni Bea, "Unang beses ko po siyang na-meet ngayon sa personal. I'm happy na finally nagkita kami. Christmas na Christmas, nagmamahalan, nagkapatawaran."

Sabi nga, nangyayari ang magagandang bagay sa mga hindi inaasahang pagkakataonn!

MAKI-BALITA: ‘Tumiklop?’ Lolit Solis, biglang kambyo: nag-sorry kay Bea Alonzo

MAKI-BALITA: Matapos buweltahan, Manay Lolit Solis, pinuri ang ‘mahusay’ na manager ni Bea Alonzo