Tila may pambihira palang kakayahan si “Asia’s Limitless Star” Julia Anne San Jose ayon sa isiniwalat niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Nobyembre 24.

Naitanong kasi ni Abunda ang tungkol sa “Popstar Kids”—isang reality talent competition sa GMA Network—na kapuwa sinalihan nina Julie at Rita Daniela.

“Take me back to the time while the competition is happening. How fierce was the competition?” usisa ni Abunda.

“We did not see it as a competition, e. Parang magkakapatid kasi kaming lahat. So, between us, kaming dalawa ni Rita, close na talaga kami noon. Even before pa like the very first time that I joined ‘Popstar Kids’ kasi I got a call back, e.,” tugon ni Julie.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Ayon naman kay Rita, hindi niya umano inaasahang mananalo siya noon kasi aminado siyang magagaling din ang mga kasabayan niya gaya ni Julie.

Pero si Julie, hindi na raw nag-eexpect pang manalo noon dahil nagkasakit umano siya.

“I was more focus doon sa magiging performance ko. So, sabi ko, hindi na talaga ako nag-eexpect because I knew I wasn’t at my best. And I’ve always had a feeling na si Rita ang mananalo,” pahayag ni Julie.

Dagdag pa niya: “Ako talaga, Tito Boy, honestly, sa mga competition like even sa ‘The Clash’, even sa ‘The Voice’, like alam ko kung sino ‘yung mananalo. Lagi akong may ganoon. For some reason, ‘di ko alam kung bakit. And maybe it’s a gift.”

“Right, gift na nagagamit mo hanggang ngayon. Because now that you’re a judge, now that you’re a coach, di ba?” saad ni Abunda.

Natawa naman si Julie sa sinabing iyon ng “Asia’s King of Talk”.

Coach at judge kasi ngayon si Julie sa “The Voice Generations” kung saan kasama niya sina Chito Miranda, Billy Crawford, at Stell Ajero ng SB19.