Ni-rate ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang performance ni Michelle Marquez Dee sa nagdaang 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador.

Sa isang panayam na inilabas ng ABS-CBN News, unang ni-rate ni Gloria ang performance ng mother ni Michelle na si Melanie Marquez na kinoronahan bilang Miss International noong 1979.

“On a scale of 1-10, si Melanie, who was Miss International, na doon ako nag-judge, talagang gusto ko si Mimi noon. She was a 10,” saad ni Gloria.

“And of course, her daughter. Of course, I supported her, too… She had everything like Melanie – height, grace, and everything. But compared to Melanie, she was an 8.”

Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Matatandaang si Gloria Diaz ang pinakaunang pambato ng Pilipinas na kinoronahan bilang Miss Universe.

Sinundan naman siya ng Pinay beauty queens na sina Margie Moran noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015 at Catriona Gray noong 2018.

Samantala, natapos ang journey ni Michelle sa 72nd Miss Universe na ginanap noong Nobyembre 19, 2023 bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Ngunit hindi man nakapasok sa Top 5, hindi pa rin matatawaran ang karangalang inuwi ni MMD sa bansa lalo na’t apat na special awards ang natanggap niya sa nasabing pageant: ang “Best National Costume Award,” “Spirit of Carnival Award,” “Miss Universe’ fan vote,” at ang “Voice for Change Award,” kung saan naka-highlight dito ang kaniyang advocacy para sa autism acceptance at empowerment.

https://balita.net.ph/2023/11/24/michelle-dee-wagi-ng-best-national-costume-sa-miss-universe-2023/

Matapos ang kaniyang naging laban sa Miss Universe stage, umuwi na ng bansa si Michelle nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 25.

https://balita.net.ph/2023/11/26/michelle-dee-feels-good-to-be-back-home/